Ang Alagad ng Konsumerismo
![]() |
Kinuha ang imaheng ito sa Apple.com |
Sa mga panahon ngayon, bahagi na ng ating buhay ang konsumerismo. Tuwing linggo lumalabas tayo para bumili ng mga kagamitan sa mga mall. Bawat taon bagong mayroong mga bagong edisyon ng mga "electronics" na lumalabas. Nag - aabang tayong lahat para sa mga ito mga bagong damit, kotse at iba pang kagamitan na hindi naman talaga natin kinakailangan.
Ang iPhone, ang isang patunay ng konsumerismo ngayon. Hinihintay ng mga tao ang mga produktong ito ng Apple. Sa katunayan, libo ang pumipila sa mga tindahan ng Apple para lamang makabili nito. Nakakamangha na ang isang bagay tulad nito ang palaging pinakakaguluhan ng mga tao. Katulad ito ng kwentong Tungkol sa Pagtatanggal ng Amoy ng Tae ng Aso kung saan ang mga tao ang nagiging alipin ng aso at hindi ang kabaligtaran. Nagiging alipin na tayo ng mga kagamitang ito. Napupunta sa iPhone ang mga perang iniipon natin at ng ating mga magulang. Bukod pa rito, parang natratrabaho tayo para lang dito at ang iPhone ang nagiging boss natin kahit na hindi naman natin ito kailangan.Tila naiimpluwensiyahan na ang ating pag-iisip ng mga patalastas na inilalabas ng mga kumpanyang ito para mabili ang kanilang mga produkto. Niloloko lamang tayo ng mga ito para sa kanilang benepisyo. Nakalungkot man isipin, ganito na talaga ang realidad ng buhay. Ang buhay kung saan hindi ka "cool" kung wala ka ng mga pinakabagong kagamitan. Ganitong pag-iisip ang dapat nating palitan at baguhin.
Sa pagbubuod, kailangan na natin magdalawang isip kung ano ang mga bagay na tunay nating kailangan. Dapat hindi na tayo maging alipin sa mga kagamitang ito. Isipin natin kung ano nga ba ang rason kung bakit tayo nagtratrabaho at huwag magpaalipin sa mga bahay na ito. Hindi naman natin kailangan ng bagong kagamitan bawat taon para lamang makasabay sa panahon; sayang ang pinaghirapan ng ating mga magulang para lamang sa bagay na mayroon ka na.