TALA ng Ating Buhay
![]() |
1 Ginawa ko ang larawang ito gamit ang pagemodo.com 2 Ang 4 na maliliit na litrato ay galling sa google.com |
Sa pagbabasa ng Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon, napagtanto ko na katulad ng buhay natin ang larong TALA. Mayroong iba't ibang yugto ang ating buhay, nariyan ang pagiging sanggol, pagkabata, pagdadalaga at pagkatanda. Ang mga yugtong ito ay pwede natin tratuhin na parang mga "level" sa larong TALA, habang tumatagal pahirap ng pahirap ito sapagkat dumarami ang ating mga responsibilidad at temptasyon sa buhay. Noong sanggol lamang tayo, wala tayong responsibilidad dahil ang mga magulang natin ang nag-aalaga sa atin kaya maituturing itong level 1 sa TALA sapagkat madali lamang ang buhay natin noon; sa ating pagkabata maliit lamang ang ating mga responsibilidad tulad ng pagpasok sa paaralan at paggawa ng mga takdang aralin kaya ito ang level 2 hanggang 3. Level 4 hanggang 6 naman ang buhay natin ng tayo ay maging dalaga at binatilyo sapagkat marami ng inaasahan sa atin. Hindi na pwedeng lagi tayong nakaasa sa ating mga magulang, binibilinan na din tayo nula dahil alam nilang kaya na natin ito gawin. Nakakaranasan na din tayo ng mga hamon at balakid sa yugtong ito. Dito lumalabas ang mga temptasyon sa buhay tulad ng pagkakaroon ng bisyo, pangongopya sa mga pagsusuri at iba pa, tayo ang magdedesisyon kung anong klaseng tao gusto natin maging. Sa aking palagay, pwede din natin makumpara ang ating konsensya bilang anito, dahil ito ang gumagabay sa atin kahit hindi man natin ito nakikita. Ang ating pagkatanda o ang level 7 hanggang 8 ang pinakamahirap na level sa ating buhay. Ito ang pinakamahirap dahil dapat kailangan na tayong magtaguyod sa sarili, maghanap ng trabaho at iba pa. Wala na tayong maasahan na ibang tao sapagkat ito na ang panahon upang tayo ay magsarili. Pagkalipas ng panahon kailangan na natin magtaguyod ng sariling pamilya at magpalaki sa ating mga anak. Habang pataas ng pataas ang mga level lumawalawak ang kaalaman ng anito at bayani; tulad nila parami ng parami ang ating kaalaman habang tumatanda tayo. Katulad ng TALA sa ating pagkamatay, hindi na tayo mabubuhay pa muli. Walang ibang tao sa mundo na kapareho natin tulad sa laro mayroong pagkakaiba sa lahat ng BAT (Bayani - Anito Tandem) kaya hindi pwede magaya ng esakto ang dating BAT ng manlalaro. Sino ang mag-aakalang maihahambing natin ang buhay sa larong TALA.
No comments:
Post a Comment